Monday, January 02, 2006

untitulado

this poem is one of the few that I've done in tagalog. as usual I was just playing around with words as well as my emotions. . .


di mo nakikita ang aking paghihirap
binabalewala mo ang aking pagsisikap
kahit ako'y laging walang magawa
sayo'y hindi pa rin ako nagsasawa
ako'y natutulala sa kaiisip sa iyo
at pagtingin lagi sa larawan mo
ako'y laging sunod-sunuran sa utos mo
kahit lahat ng ito'y di ko gusto

ako nga ba ay maepal at garapal?
o kaya nama'y isang hangal?
nais kong itapon ang iyong larawan
kahit na ang yong kagandaha'y pinag-aagawan
ngunit kapag ako ay lalapit
sana ay huwag kang magagalit
sa pagpapakapal ng aking mukha
ang oras ko'y sa iyo naaaksaya

ako'y natatakot na umibig sa iyo
dahil walang gugusto sa isang katulad ko
di tulad mo na parang anghel na naglalaro
kay sakit sa puso t'wing malalait mo
sana ay samahan mo ako sa aking pag-iisa
o kaya'y tuwing wala akong kasama
dapat mong makilala ang tunay kong pagkatao
dahil ika'y aking iniibig at sinusuyo

0 Comments:

Post a Comment

<< Home